Ako, Ako yung tipo ng babae na konting patawa mo lang masaya
Ako yung tipo ng babae na wala ng suklay suklay makapasok lang ng maaga makita ka lang
Ako yung tipo ng babae na walang arte madumi man yan makaupo lang
Ako yung tipo ng babae na handang magtangatangahan makitang masaya ka lang
Ako yung tipo na babae na sinasabi ng iba na laging masaya
Masaya na tila ba walang pinoproblema
Ako yung tipo ng babae na ngitian mo lang para bang bulate na hinagisan ng asin sa sobrang saya
Ako yung tipo ng babae na banggitin lang pangalan mo kinikilig na
Ikaw, ikaw yung tipo ng lalaki na walang pake sa paligid makatawa lang
Ikaw yung tipo na lalaki na makalokohan pagdating sa barkadahan
Ikaw yung tipo ng lalaki na hinahanap hanap lagi ng dalawang mata ko
Ikaw yung tipo ng lalaki na gusto ko makasama hanggang dulo
Hanggang sa naiisin ko na sana ikaw na yung THE ONE KO
Na sana meron ka ding pagtingin sakin katulad ng pagtingin ko sayo
Kaso kelan mangyayari ang lahat ng ninanais k
Kelan kaya mapapaltan ang salitang AKO sa TAYO
Kung meron na palang KAY
Kung meron na palang kumukumpleto ng araw m
Na sa bawat ngiti mo, sa bawat pagtawa mo sya pala ang dahilan nito
Masakit man isipin
pero kailangan kong tanggapin
Na meron kang SIYA sa buhay mo
Na meron kang SIYA na nagpapatibok ng puso mo
Na meron kang SIYA na kumukupleto ng araw mo
Pero heto parin ako nagbabakasakaling kausapin at tanungin mo
Tanungin sa bagay na alam ko namang imposibleng magkatotoo
Na alam ko namang imposibleng mabuo ang salitang TAYO
dahil alam ko na KAIBIGAN mo lang ako
KAIBIGAN mo lang ako.!
At paulit ulit kong itatatak sa isipan
Na KAIBIGAN mo lang ako
Pero eto ako nagmumukha ng tanga at walang sawang umaas
Umaasa na baka sakaling magbago ang isip m
Umaasa na baka magkaroon ng chance na mahalin mo din a
At kung sakali mang dumating ang panah
Panahon na mawalan ng salitang KAY
Andito lang ako nagiintay maging TAYO ang salitang IKAW AT AKO.
Galing 👏
TumugonBurahin